Motorsiklo

Mahal, may gusto akong gawin
Pero nahihiya akong sabihin
Ewan ko ba
Bakit ko naisip yun
Naalala ko lang siguro
Ang paanyaya mo noon

Ganito kasi…

Gusto ko sanang madama
Ang hangin saking mukha
Habang naka-angkas
Sa isang motorsiklo
Na ikaw aking mahal
Ang nagmamaneho

Gusto ko sanang mamasyal
Sa iba’t-ibang lugar
Kahit hindi malayo
At malapit lang sa inyo
Basta ang gusto ko
Ang gamit natin ay
Ang iyong motorsiklo

Gusto ko sanang panoorin
Ang pagdating ng takip-silim
Habang tayo’y naglalayag
Sa daang patungo sa kung saan
Na magkayakap ang mga bisig
At malayang umiibig

Maskara

Tumatawang parang walang problema
Nakangiti na tila’y walang pangamba
Umaawit, sumasayaw, naghahatid saya
Nagpapayo, nakikinig, nagbibigay pag-asa

Araw-araw sa akin, ‘yan ang nakikita
Minsan rin nga’y, banggit pa nila:
“Sa buhay mong sapat, nakaka-inggit ka
Sana ang Diyos ay pagpalain ka pa.”

Pero ang totoo, kung alam lang nila
Marami akong sugat, na hindi nakikita
Dahil na rin siguro, ako’y nahihiya
Na tunay at lubusang, ako’y makilala

Subalit kapag ikaw na ang aking kasama
Wala akong takot, maski pangamba
Ang totoong ako’y payapang humihinga
Dahil sayo mahal, wala akong maskara

Para Sa…

Para sa pag-ibig nating
Maramot ang pagsibol
Para sa yakap, halik, at mga larawang
Sayo’y patungkol

Para sa ating lumbay
Sa tuwing naghihiwalay
Para sa ating saya
Sa tuwing magkasama

Para sa pagkabalisa
Sa gitna ng unos
At sa paghihintay
Sa plano ng Diyos

Itaas ang Kamay ng mga Gising Pa

Itaas ang kamay
Ng mga gising pa
Ngayong alas-kwatro
Oras ng umaga
Bakit nga ba
Ika’y gising pa?
At hindi makatulog
Diyan sa iyong kama.

Ikaw ba’y nalulumbay
Sa hirap ng iyong buhay?
O ika’y nagdadalamhati
Sa pag-ibig na nasawi.
Ikaw ba’y namimilipit
Sa katawang may sakit?
O ‘di kaya’y nananabik
Sa kanyang yakap at halik.

Kung iba man
Ang iyong dahilan
Ibaba ang kamay
Kung maaari lamang
At ika’y matulog na
Mga mata’y ipikit
Ang mahimbing na pahinga
Ay iyo nang ipilit
Bago mo marinig
Ang panaghoy at ingay
Mula saming nakataas
Pa ang mga kamay

Hikbi ng marahan
Para sa kahirapan
Daing ay ilabas
Kung ika’y iniwan
Sumigaw sa hangin
Ang lahat ng balisa
Ulitin lang hanggang
Lungkot ay mawala

Kung tapos ka na ay
Pwede mo nang ibaba
Ang nakataas na kamay
Kasabay ng iyong luha
Punasan ang mukha
Kusutin ang mga mata
At ang ating mga damdamin
Sabay-sabay nang ipahinga

I’ve Run Out of You

I’ve run out of you
My source of light and peace
It’s all gone, up to the last piece
No more laughter and happiness
Just a state of emptiness

Where can I find you?
So I can replenish my supply
I’m afraid I can’t survive
Another day without your love

Everything’s colorless and bland
Everything’s out of hand
I stumble even in empty spaces
I freeze, I stop, I gaze
No hope, no dreams, no you
So tell me, where can I find you?
Because I’ve run out of you