Isalba Ang Mga Guro

Respeto para sa guro,
huwag gawing isang trapo
na parang hindi isang lisensiyado.
Pamamahiya sagot ba si Tulfo?
Hindi yata makatarungan para sa isang guro,
ang mawalan ng trabaho…
dahil lang sa kagustuhan nilang itama ang maling ginagawa ng anak mo.

Huwag maging kunsintidor sa mga anak na pasaway,
ano pa’t naging pangalawang magulang kung sila ay hindi nanunuway.
Bakit di n’yo bigyan pansin ang pagod nila sa paggabay,
para lang makita na isang araw nasa rurok sila ng tagumpay.

Katarungan sa batang napahiya
At nasaan ang katarungan para sa gurong tinatanggalan ng lisensiya?
Ang nais lang ay mapabuti sila,
ngunit bakit sa isang iglap mawawala
ang pinaghirapan nila.

Ito ba ang tama?
Ito ba talaga ang magiging kapalit sa pagpapagal nila?
Pamamahiya ba o pagdisiplina lamang ang ginagawa nila?
Kung hindi nila gagawin ang tamang pagdisiplina,
hindi matutunan ng bawat estudyante ang magandang asal na dapat ay makita sa kanila.

Respeto para sa mga guro.
Kung bawat simpleng pagdisiplina ay kapalit sa kanila ay matinding kaso,
May matitira pa bang guro?
‘Yan sana ang maisip n’yo!

#RESPETOhindiTULFO
#IsalbaAngMgaGuro


Isinulat ni:
Wence Benteotso
#118 ?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *