Isang Liham Pasasalamat para sa mga Healthcare Workers / Frontliners

Mahal kong Health Workers,

Kumusta na kayo? Kumusta ang pakikipaglaban? Kumusta ang mga pasyente na inaalagaan niyo?

Alam kong ginagawa niyo nang paraan para sugpuin ang kaaway na hindi natin nakikita.

Alam niyo, nais kong mag pasalamat sa inyong sakripisyo at serbisyo sa patuloy niyong pakikibaka sa isang pagsubok na ating kinakaharap. Hindi mapapantayan ang inyong galing at sakripisyo para sa bayan. Kami ay napakaswerte dahil kasama namin ang aming pamilya.

Pero kayo, mas inuuna niyo ang kapakanan ng isang pasyente para gumaling.

Sobra akong sumasaludo sa inyo. Kayo ay instrumento na binigay ng Panginoon. Alam natin lahat na ang nangyayari ngayon ay may dahilan. Tanging Diyos lang ang nakakaalam.

Nawa’y bigyan kayo ng lakas at mabuting kalusugan para tapusin ang isang digmaan. Isang sakit na maraming buhay ang nasawi. Huwag kayong mag-alala, ang tanging hiling ko sa Poong Maykapal, na balang araw, matatapos na ang digmaan.

Maghihintay ako sa inyong pagbabalik.

Maraming Salamat at Mabuhay kayo, HEALTHCARE WORKERS / FRONTLINERS.

Nagmamahal,
Sir Jonel


Isinulat ni:
Jonel Lavador
Education and Training Center School I
Division of Bacolod City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *