Hindi inda ang init ng araw
May maiuwi lang na pangkanin at sabaw
Lakad nang lakad
Hindi titigil hangga’t may daang malapad
Dobleng pagsisikap para sa anak na may sakit
Kahit ano’y papasukin, lalo na’t sa panahong gipit
Limang kahig, isang tuka
Hindi sapat ang isa lalo pa’t dukha
Iyo pang muntik makalimutan
Si bunso’y magki-kinder na pala sa pasukan
Triple kayod ang kailangan
Kahit tulo ng pawis ay hindi na mapunasan
Hindi mo lubos maisip
Saan ang iyong kalalagyan?
Sa lipunang marami ang nahahapis
Katotohanang lahat ay makatitikim ng buhay na may pait
—
Isinulat ni:
Roland Mark B. Tadios