Daming hinaing ng mga guro sa panahon ngayon,
Dahil bigat na bigat na sa kanilang dinadala..
Kaya di na din mapigil sa pagrereklamo’t sumbat,
Daing ng karamihan hindi daw patas,
ang trato sa katungkulang sa kanila daw nilatag
Kaya naman ang iba nagpupumiglas at ayaw pa awat,
Sa pagsasalita at pagsasambulat
ng mga reklamo’t boses nila ay nilalakas.
Sana lang talaga yung mga nagrereklamo
Ay siyang nagtratrabaho ng husto..
Di yung tipo na oras ng pagtuturo
Ay puro lamang kwento ng kung ano-ano
at pagbalik ng faculty room aastang pagod na pagod. Hipokrito/Hipokrita lang diba? ?
Sana lang talaga yung mga nagrereklamo
Ay sa pera ay matipid,
Di yung takaw mata at sa loan lagi kumakapit,
Di pa man katapusan, sweldo ay ubos na,
Pang bayad utang na kasi dahil sobrang gastos na niya.
Sana lang talaga yung mga nagrereklamo
Ay yung pawang sa nakakataas sa kanya’y marunong rumespeto,
Hindi yung talikuran kung lumaban at puro pasaring pa dito,
Pero kapag kaharap naman ay nagiging sipsip bigla.
Mambobola ng mga Heads with matching twinkling eyes pa ?
Sana talaga yung mga nagrereklamo,
Ay tunay yung malasakit sa kapwa guro niya,
Yung bang di nasisilaw sa mga pangako
Ng mga taong nag uudyok lamang dahil namimigay ng pera.
Sana lang talaga lahat ng nagrereklamo
Tapat sa kanilang sinumpaan.
Sana lang talaga lahat ng nagrereklamo
Kamangmangan ng kanilang estudyante ay gustong pigilan.
Tunay ngang lahat tayo ay may karapatan
Na magsalita at pawang makilaban
Pero sana di kasama dun ay ating yurakan..
Katagang “GURO ” na nakadikit sa ating personal na katauhan.
Na nuon pa may mas maraming naunang guro’y kanilang iningatan.
Di man natin makuha simpatya ng iba
At di man maibigay ng ahensya lahat ng kailangan natin bigla-bigla,
Pero diba kung nakakaintindi ka ay magiging mahinahon ka.
Dahil sa isang maling galaw lahat huhusgahan ka,Pero sa sarili mo ay alam mong “Dakilang Guro ka”
Sa bugso ng damdamin sana lang po talaga
Kaganahan sa pagtuturo’y di ma apektuhan diba?
Sinumpaang katungkulan huwag kakaligtaan
Dahil maraming kinabukasan ng mga bata sa atin ay nakasalalay.
Sana sa pamamagitan ng tulang ito.
Kahalagahan ng pagiging isang guro’y maramdahan mo/niyo
Paniniwala man natin sadyang iba-iba
Pero kaya nating magkaiisa dahil nga “GURO KA”
Kung kaya mong turuan ang iba, Sarili mo pa kaya diba?
IF THE SHOE FIT, WEAR IT.
—
Isinulat ni:
Sir. Allan C.Ometer Jr.
Imus National High School