Mahal Kita Papa!

Mahal kita! yan ang salitang di ko nasambit
Bagamat sa kilos at gawa pinakikitang pilit
Pagmamahal na inialay mo walang makakapalit
Sapagkat nag-iisa ka sa puso’t isip

Sa iyong pagkawala puso’y nagdurusa
Sabay sa pagbuhos ng luha ang pagwiwika
Bakit ikaw ang nawala at ‘di pa taong masama?
Ikaw na ang mga anak ang laging alaala

Batid kong masaya ka na sa piling ng Poong Lumikha
Lungkot at sakit, ‘di na mararanasan pa
Mananatili ka sa puso at diwa
Pakamamahalin pa rin kahit wala ka na.

Masakit man isiping ‘di ka na makakasama
Ngunit ang hiram na buhay ay binawi na
Pagtanggap at paghilom tunay na matatagalan pa
Sapagkat ikaw “Papa” sa buhay ko’y mahalaga

Hiling ko lang patuloy na gabay
Sa mga taong mahahalaga sa iyong buhay
Landas na tatahakin sa aming paglalakbay
Nawa’y makamit ninanais na tagumpay


Isinulat ni:
Lea R. Lopez

Leave a Reply

Your email address will not be published.