Masayang maging GURO,kapag nararamdaman mo
Pagmamahal at respeto ng mga estudyante mo
Kasama na rin ng mga kapwa guro mo
Na naniniwala sa taglay na galing mo.
Masayang maging GURO dahil marami pa ding estudyanteng gumagalang sayo.
Masayang maging GURO dahil ang taas ng tingin nila sayo.
Masayang maging GURO dahil sa buhay nila nagsisilbi kang inspirasyon
At sa buhay nila’y naging parte ka,sa paglipas ng panahon.
Masayang maging GURO kahit nakakapagod talaga.
Masayang maging GURO kahit minsan binabalewala ka.
Masayang maging GURO kahit nakukunsumi ka
Masayang maging GURO dahil tinuturing kang bida.
Masayang maging GURO kapag pinaparamdam sayo,
Ang suporta at pagmamahal ng mga taong ay posisyon ay angat sayo
Masaya dahil alam mo susuportahan ka nila lalo i pagtatawanan ang kahinaan mo.
Masayang maging GURO kahit sa iba ang sweldo’y di sapat.
Kung nakikita mo naman ang resulta ng mga pagpapagod mo,lalo na kapag may nagbabago sa buhay ng mga estudyante mo.
Sa araw na ito pinagdidiwang ng buong mundo
Ang araw nating mga dakilang GURO
Maging positibo kahit madaming negatibo sa mundo
Itaas ang noo at ipagmalaki mo
Na GURO ka hindi GURO lang
Na ambag mo’y malaki sa lipunang ginagalawan.
—
Isinulat ni:
Allan C.Ometer Jr.