Oras

Oras, na walang buhay
Tanging pagkain nya’y
paghihintay

Oras, na walang mata
Pero nagdidikta
Kumilos ka!

Oras, na bawat tunog
Ay kumakabog
Tug-tog-tug-tog

Oras, may kamay
Na kumakampay
Hanggang sa tao ay
Humapay

Oras, walang paa
Pero hinahabol
Aabutan ba?
Hihinto na?
Kaya pa?

Oras, nakakapagod.


Isinulat ni:
Olive Bezell B. Arellano
DepEd CALABARZON IV-A
Cavite Province
Silang District
Tartaria Elementary School

Leave a Reply

Your email address will not be published.