Pangarap Na Lang Ba?

Ako ay isang taong puno ng pangarap sa buhay nalaman ko’y di puro sarap
Sabi nila magsimula muna sa maliit bago ito lumago at lalaki
Ngunit para ‘ata itong kamote, kinulang sa araw at dilig kaya di tumubo at lumaki
Hanggang sa utak nalang ‘ata ang lahat hindi mo ito makikitang pakalat-kalat
Kahit sa anong demensyon man ng aking buhay laging napag-iiwanan
Parang pagong, minsan lang lalakad minsan lang umusad
Kahit ikay tumakbo man, hanggang dyan kanalang
Katulad ng isang gobyernong di umuunlad
Ito’y hindi umuunlad at walang pagbabago kahit anong gawin mo

PANGARAP NA LANG BA?

‘Ika nga nila, kapag wala kang pangarap sa buhay wala kang mararating
Pangarap mong bahay, lupa, kotse hangang doon nlang
Tiis-tiis na lng muna, utang at bale sa buhay

Isa lang naman aking gusto
‘Yun ay ang maging totoo ang mga bagay na aking gusto
Nang sa gano’y masabi ko na sa lahat ng paghihirap may katas na nang gatas
Nang pangarap koy hindi parin kumupas

Ang mga salitang naka-paskil sa aking isipan ay di matutumbasan ng mga salitang nasa aking puso
Sadyang may mga bagay talaga na kailangan mong gawin kesa manatili lamang sa ating isipan


Isinulat ni:
Zena Marie Singular

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *