POGI

Sa buong buhay ko tatlong beses ko lang naranasang tawagin nila ng POGI.

Una ay noong bagong panganak ako. Syempre hindi ko pa yun namalayan pero sabi nila ang POGI ko raw noong pinanganak ako. Makonsensya ka naman kung tawagin mong pangit ang bagong silang na bata. Wala pang kaalam-alam sa mga bagay tapos tutuksuhin mo kaagad.

Kaya lang siguro natawag nila akong POGi dahil syempre sabi ko nga bagong panganak wala pang kaalam-alam.

Pangalawa ay noong petsa ng aming kasal ng aking asawa. Aba syempre isa ito sa mga pinaka espesyal na pangyayari sa buong buhay ko kaya kailangan nating mag ayos ng sarili.

Ang saya ko sa araw na iyon maliban sa dahil ay natupad narin ang pangarap ko na ikasal sa pinakamamahal ko kundi dahil sa narinig ko na naman ang salitang POGI.

Sabi nila swerte daw yung babaeng napili kong ipakasal dahil POGI raw ako at idagdag narin natin ang pagiging mabait, masipag, at matalino.

Pangatlo at panghuli sa lahat ay ang pinakamaraming nagsabi na POGI ako. Sa lahat ng nakakita sa akin sinabihan akong POGI. Abot langit naman ang mga ngiti ko sa mga panahong iyon.

Suot ko ang napakagarbong barong tagalog na siguro isa rin sa nagpadagdag ng pagiging POGI ko. Mayroon din akong palamuti sa mukha pero kahit wala naman yun ay POGI parin ako.

Simula noon hindi ko na narinig na sinabihan akong POGI. Pero nagpapasalamat parin ako dahil kahit hindi na ako makabangon sa habang buhay na pag idlip ay naranasan ko parin na tawagin nilang POGI.


Isinulat ni:
Aldrine

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *