Sana All

Yung teacher na kumpleto ang tulog
Walang eyebags, maaliwalas ang mukha

Yung teacher na may mababait na estudyante
Mga masipag mag-aral, magalang sa kapwa

Sana all, sana all

Yung teacher na may oras para sa sarili
Hindi tambak ng trabaho. Sa hobbies, siya ay may panahon

Yung teacher na walang binabayarang loans
May sapat na pang-gastos, at nakakapag-ipon

Sana all, sana all

Yung teacher na hindi pinagtsitsismisan
Walang intriga, hindi sinisiraan ng iba

Yung teacher na may love life
Laging nakangiti, laging masaya

Sana all, sana all


Isinulat ni:
FLR

Leave a Reply

Your email address will not be published.