Sana’y Di Na Lang Nagtagpong Muli

Sana’y di na lang lumingon,
Sana’y di na hinarap ang kahapon,
Sana’y di na dinama ang dating pagtibok,
Sana’y di na muli pang sinubok.

Sana’y di na lang nagtanong,
Kung di naman nito nabago ang panahon,
Wala namang silbi ang mga rason,
Kundi pagluha sa huling pagkakataon.

Sana’y di na lang nagtagpong muli,
Maaari namang ikubli ang huling sandali.
Di na dapat naiisin pa ang pagbabalik,
Muli’t muli namang umaalis.


Isinulat ni:
Aivan B Navallasca ng Binalbagan Catholic College

Leave a Reply

Your email address will not be published.