Gumuhit ako ng larawan,
Mukha mong tinitigan, sa pang malayuan.
Marahil di ka matitigan,
Ako’y sumusulyap na lamang.
Sa mga ngiti mong matamis,
Na sana ako ang dahilan.
Ang saya mong labis,
Na sana’y pangmatagalan.
Hanggang tingin,
At hindi malapitan.
Ako’y nahihiya,
Sa hindi malamang dahilan.
Hindi ko masubukan,
Ang tanungin ang yong pangalan,
Sana’y may itsura akong ihaharap,
Ng wala ng kahihiyan.
Inspirasyon sa lahat,
Sa lahat ng pinag dadaanan.
Sa pag-susulit, at aktibidad,
Inspirasyon sa bawat lakad.
Bawat guhit na larawan,
Na kailangang limitahan.
At bawat tinging panandalian,
Na dapat sa’yo lamang.
Naghihitay at nag aabang,
Na sana’y ako naman,
Mapansin ng tuluyan,
At sana ako’y magustuhan.
Hindi sa pag mamayabang,
Ika’y aking gusto lamang,
Kaya gumuhit ako ng larawan,
Na sa imahinasyon, ikaw at ako lang.
—
Isinulat ni:
Utoy Angon