Tatay Ko!

Pababayaan ko ang tatay ko!
Kailanman hindi ko iisipin na
Inalagaan niya ako
Inaalala niya ako
Mahal niya ako

Si tatay, walang kwenta!
Hindi totoo na
Naiintindihan niya ang nararamdaman ko
Alam ko
Paborito niya lamang ang kapatid ko
Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na
Mayroon akong mabuting tatay

Napakaistrikto ni tatay!
Hindi totoo na
Isa siyang responsableng tatay
Dahil
Ang inaalala lamang niya ay trabaho
Hindi ko paniniwalaan na
Mahal ako ni tatay

Galit ako sa kanya!
Kailanman ‘di ko sasabihin na
Mahal ko ang tatay ko

(Basahin paitaas)

Happy Father’s Day!


Isinulat ni:
Teacher Kristinna

Leave a Reply

Your email address will not be published.