Tatlong Taon

Tatlong taon na,
Tatlong taon na tayong lumalaban
sa mga pagsubok na sing lawak nang kapatagan
Tatlong taon na tayong umaalalay
sa mga bubwit na laging nais ay mawalay
Tatlong taon na tayong nag aalay nang wagas na pag ibig
sa mga pusong kalayawan ang ibig
Tatlong taon na tayong nasasaktan ng pauulit ulit
Subali’t tatlong taon narin tayong nagpupumilit
Na ang hapdi na ramdam ay mapapalitan ng tuwang pinakaaasam

Katunayan,
Tatlong taon na rin nating pinagloloko ang ating sarili
Na ang bawat buhay na dumadaan sa ating daliri
ay mababago natin at ang wasto ang mag hari
Tatlong taon na rin tayong nangangarap ng malaki
Para sa mga taong sa sarili’y walang pagtangi

Sa tatlong taon na dumaan,
Heto tayo, tinatahak parin ang landas na sa tingin
natin sa ati’y nakalaan
dahil sa tatlong taon na lumipas
may mga buhay pang sayo’y humahanga nang wagas
Kaya’t kahit pagod ka na,
aarangkada ka!

Tatlong taon,
At sa tatlong taon na iyan diko matukoy kung ano ang iyong nais
Dahil naniniwala ako, Guro,
bagamat ikaw ay wais
manlalambot ka rin gaya ng mais
at ngingiti nang pagkatamis tamis
alang ala sa mga batang paniniwala mo’y wala pang bahid ng dungis.

Tatlong taon na,
at tatlong taon pa!
Patuloy ka guro
ako’y naniniwala sayo!


Isinulat ni:
TitserDiyes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *