TEACHER ako

TEACHER ako…

NURSE din ako.
Nagpupurga at naglilinis ng sugat dahil sa kalikutan at kakulitan ng mga bata.

SOCIAL WORKER din minsan
taga follow-up ng 4PS.
Taga fill in ng mga forms

COUNSELOR din ako
Nagbibigay advice at nag-iinspire para lang tumino ang mga mag-aaral.

GARDENER din ako
Taga lay-out, taga ayos, taga tanim, at taga dilig.

Minsan naman SECURITY GUARD,
Taga bantay ng mga mag-aaral para hindi sumibat

SAFETY OFFICER din ako,
Making sure that the students are safe always. Kaya nga magaling kami sa mga earthquake drill, fire drill, etc.

LAWYER din ako
Tagapagtanggol ng bata.
Kakampi kung kinakailangan.

at ENGINEER din,
Taga assess at taga plano sa mga dapat idagdag/irepair sa room.

CARPENTER din
kung kailangang kumpunihin ang mga upuan/armchairs.

PAINTER kapag kinakailangang pinturahan ang mga walls at desks ng mga bata.

DOCTOR din na taga-troubleshoot kung bakit matamlay ang mga anak ko minsan. Taga-gamot ng pisikal at emosyonal na karamdaman.

NANAY din ako.
Tagapaalala kung dapat na magpagupit, mag nail cutter, tagatali ng buhok na buhaghag.

May mga batang pasaway na tumino dahil sa aking pagtanggap.
May mga batang sugatan ang puso nang dahil sa maraming bagay na gumaling dahil sa aking kalinga.

TEACHER ako.
Kayang gayahin pero di kayang higitan.


Inilathala ni:
Ma’am Desi

Leave a Reply

Your email address will not be published.