ULAN

Sa pagpatak ng ulan, ikaw ay aking naalala,
Nung panahong una tayong nagkita.
Alam ko, hindi naman yun maulan,
Sadyang iyon pala’y magiging simula ng isang walang hanggang ulan.

Ayokong matapos ang buhos ng ulan,
Ayokong sa paningin ko’y ika’y mabilis na lumisan.
Ayokong magdusa dahil ikaw ay wala na.
Ayokong kalimutan lahat ng ating alaala —
At ayokong kalimutang muntik na maging tayo —
Oo, AYOKO.

Nakakatawang balikan, mga panahong tayo’y naging magkaibigan,
Lalo na nung tayo’y nagka-ibigan.

Kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na bumalik,
Babalik at babalik ako sa mga panahong tayo’y nagkasama —
Ako’y nasasabik. Babalik at nasasabik pa rin sa panahong ating sinayang–
Sinayang baka dahil tayo’y natakot, nalungkot, nabagot at gusto ng lumimot,
Yan ang sagot sa pusong nabubugnot.


Isinulat ni:
Bb. Kathlyn B. Alberca

Leave a Reply

Your email address will not be published.