Wag Mawalan ng Pag-asa

Para sa kaibigan kong napakaganda,
wag kang mag-alala, makakakita ka pa ng higit pa sa kanya.

Wag madaling mawalan ng pag-asa,
dahil ang iyong bes ay walang-wala din naman ah? Kaya chill ka lang dyan ha?

Umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa ang sakit ay unti-unti ng mawawala.
Oo, di mali ang magmahal, pero bes, tama na— tama na kasi sa una pa lang, IKAW ang bumitaw at HINDI SIYA.

May mga bagay talaga na di nagtatagal—
Mga bagay na akala mo’y permanente na, ngunit panandalian lang pala.

Bes, masakit pa ba? Kasi di mo man nakikita, ako din nama’y nasasaktan at sobrang wasak na.
Quotang-quota na ako sa mga pagmamahal na yan, na tulad sa mga paborito nating mga pelikulang inaabangan.

Sige lang, alam mo naman na hindi pa huli ang lahat.
May isang taong karapat-dapat—
Karapat-dapat mahalin ng walang limitasyon at hadlang,
Pagmamahal na wagas at walang hanggan.

Sino pa ba? Eh yung lalaking palagi tayong pinapatawad kahit sobra-sobrang pagkakamali na.
Kaya salamat Lord ha?
Sa walang sawang pagmamahal, biyaya at supporta!


Isinulat ni:
Bb. Kathlyn B. Alberca

Leave a Reply

Your email address will not be published.